ILANG beses nang napatunayan ni Nadine Lustre kung gaano siya kamahal ng kanyang boyfriend na si James Reid.
Isa na nga rito noong panahong nagdadalamhati ang Kapamilya actress sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Isaiah Lustre taong 2017.
Ilang buwan makalipas mailibing si Isaiah ay nagbakasyon ang magdyowa at ilang malalapit na kaibigan sa Japan. Dito raw mas naramdaman ni Nadine kung gaano ka-patient at ka-understanding si James kung saan grabe raw ang mood swings niya.
“Yung pagiging patient po niya, nakita ko po yun nu’ng bago lang po yung sa brother ko, kasi nag-Japan kami noon. And then, hindi ko po alam, e. Yung mood swing ko, malala talaga siya.
“Parang kapag hindi ako sang-ayon sa naging desis-yon, kasi we travel po as a group, so parang minsan hindi ako nagsasalita, minsan tahimik lang ako,” pahayag ng 2019 FAMAS best actress (para sa pelikulang Never Not Love You) sa thanksgi-ving presscon na ibinigay sa kanya ng Viva Artists Agency.
Dugtong pa niya, “Minsan madaldal ako and masayahin ako, tapos biglang magsusungit ako. Kapag hindi ko po nagustuhan yung desisyon nila, parang sumasabog ako.
“Sobrang unstable ko nu’ng time na yun. And du’n ko po nakita sa kanya na sobrang patient and understanding niya. Kasi kahit sa point na maiinis ka sa akin, kasi sobra na, siya po talaga yung nagpapakalma sa akin.
“Siya din po calm din siya, and then he understands completely. Hindi po siya nagagalit or naiinis sa akin kahit nakakainis na siya,” kuwento pa ni Nadine.
Natanong din ang girlfriend ni James kung nag-aaway ba sila at kung paano nila hina-handle ang kanilang mga problema as a couple.
“I think most of the time, ang nagiging argument namin dalawa, maybe because of how I feel. Kasi nga po it was hard for me to open up and tell him what I’m feeling.
“So most of the time, the last few arguments that we’ve had was, parang sasabihin ko sa kanya na, ‘Nag-anxiety ako.’ And then, tatanungin niya ako, ‘Why? What’s the reason?’ Hindi ko masabi sa kanya,” paliwanag niya.
Dito na inamin ni Nadine na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang mag-express ng kanyang feelings at inaatake pa rin ng panic attacks at anxiety, “Once in a while. So, parang nagiging moody na rin po ako.
I-admit ko po na sometimes parang ako rin nagsisimula, kasi pag naging moody na ako minsan, hindi ko na po siya ma-control.”
Napakalaki raw na naitutulong sa kanya ni James para labanan ang depresyon niya, “I learned to reach out and be the one to apologize first, especially kung kunwari alam ko naman po na fault ko rin, ako naman yung sumabog and ako naman yung nagalit sa kanya.
“Because sometimes, I still have that po. Pag hindi ko gusto yung sasabihin niya sa akin or yung sagot niya sa question ko, nag-i-snap pa rin ako sometimes,” pahayag pa ng dalaga.
Kapag may arguments sila, pinag-uusapan nila agad para hindi na tumagal, “Nag-usap po kami one time and sinabi niya sa akin na kung ganu’n ang nararamdaman mo, kung magagalit ka sa akin, huwag kang lalayo.
“Kasi at the end of the day, ikaw din ang kawawa. Kasi ikaw yung may dala-dala, e. Ta’s ikaw yung galit sa kanya. So, parang it’s better na lang po to talk about it and resolve it right here and right now.
“Para at least pagkatulog mo, when you wake up the next morning, OK na kayo parehas. Wala na pong problema. Matagal na rin po kasi kaming hindi nag-away, e. As in super tagal na rin po,” dagdag pa niya.
Samantala, ngayong award-winning na si Nadine, inaasahan na mas marami pa siyang gagawing makabuluhang pelikula. After ng “Never Not Love You”, pinuri rin ang aktres sa naging performance niya sa “Ulan” with Carlo Aquino.
Very soon ay mapapanood na rin ang susunod niyang movie, ang musical-drama na “Indak” opposite Sam Concepcion at ang mga miyembro ng G-Force. Malapit na rin siyang mapanood uli sa ABS-CBN with her new show this year.