Let’s talk about sex

GOOD afternoon, Doc. Kapag nagtatalik kaming mag-asawa ay hindi pa nagsisimula ang labing-labing namin ay parang basang-basa na po ako. Ano po ba ito? Pwede ho ba itong mawala? Paki-text na lang ho ‘yung sagot, kung pwede. Pwede n’yo naman ding ilabas sa newspaper kahit malimit lang ho akong nagbabasa ng news. Thanks po. Sana masagot n’yo ang aking tanong. — Ness, Gen San, …3451

Naku normal lang ‘yan kaya huwag kang mabahala. Isang senyales lang ‘yan ng isang magandang pagsasama. Kaya OK lang ‘yan at hindi ‘yan dapat mawala.

Good day po, Doctor Heal, 55-years-old na po ako at nasa wastong gulang na ang apat kong mga anak. Twice a month lang kami ng misis ko magkita kaya po nagma-masturbate pa rin ako dalawang beses sa isang linggo. Normal pa po ba ito sa edad ko? Maraming salamat Doc. — Lloyd, Makati City, …0194
Hindi na masyadong inaasahan na gagawin pa ‘yan sa iyong edad nguni’t hindi rin naman ito masama sa pisikal na kalusugan. Meron lang itong negatibong epekto sa iyong mental health at spirituality.
Doc, good pm. Ask ko lang tungkol sa baby ko, 7- months siya. Giubo ug sip-on unza man maau tambal ani wla jd mi money pa check up. Tnx and G0D bls U. –…3457

Bigyan mo ng NEOZEP Oral Drops 1ml every 6 hours for 1 week, vitamin c drops, at kinakailangan magpatingin sa Health Center kung patuloy na may ubo pagkatapos ng limang araw.
Good evening po sa iyo, Dr. Hildegardes Dinerso. Ako po si Cerdonia Eguia, 19-years-old taga-Zamboanga del Norte. Gusto ko pong magtan0ng. Ano po bang effect ng pills na Daphne? Kasi ‘yun ang ginagamit naming mag-asawa. Bakit sa isang buwan wala akong monthly period? At ngayon naglipat ako ng ibang pills katulad ng Trust. Ano bang dapat kong gagawin, doc? –…5646

Posibleng mangyari ito dahil nasisira minsan ang menstrual cycle sa umpisa ng pag-inom ng contraceptive pills. Isinusulong ko ang Natural Family Planning method, sumangguni sa mga agency malapit sa inyo, gaya ng health center o simbahan.
Good morning, doc. Kapag may polyp ba, pwede bang magpa-inject na depo. Ano po ba ang depo? Nakakatulong ba ito kapag ang isang babae ay may isang cyst sa matris? — …4634

Huwag muna, magpatingin muna sa gynecologist dahil posibleng hindi maganda ang epekto nito.
Si Dr. Heal ay napapakinggan din sa Radyo Inquirer 990AM gabi-gabi mula alas 8 hanggang 9:30 sa programang Radyo Medico.
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.

Read more...