Horror movie nina Jasmine at Tom bawal sa sinehan sa Taguig

JASMINE CURTIS AT TOM RODRIGUEZ

Naniniwala kaming merong dapat gawing hakbang ang local government na nakakasakop sa ilang malls na may mga sinehang hindi na nagpapalabas ng local films.

Balitang isa sa latest casualty ay ang movie nina Jasmine Curtis at Tom Rodriguez na pati ang mga block screening ay tinanggihan daw ng sinehan sa isang mall sa Taguig City, dahil hindi na ito nagpapalabas ng local films.

Nakakalungkot lang dahil dumating na sa ganitong punto ang naturang mall na imbes suportahan ang local films ay tila “niligwak” pa nila.

Granting na mas hamak ngang kumikita ang mga foreign films, still hindi dapat gawing rason ang tila pag-ban sa local films sa naturang mall.

Nakapanlulumo ito lalo pa’t hindi naman regular run ang pinag-uusapan kundi block screening or paid screening para sa ilang grupo. Noong May 1 ipinalabas ang movie ni Jasmine na “Maledicto”, habang kasagsagan pa ng “Avengers: Endgame.”

Gusto naming unawain ang lakas ng pagtangkilik sa naturang movie dahil bongga naman talaga, pero ‘yung sobrang pagnenegosyo na pati ang block screening ay tanggihan ng sinehan, ay maliwanag na pagyurak sa isang parte ng ating kultura.

Nananawagan kami ngayon sa mga local officials at mga pulitikong may advocacy sa movie industry, ipakita n’yo namang may ginagawa kayo sa industriya. Lalo na ‘yung mga showbiz-politicians diyan na ang tagal-tagal na sa posisyon pero dedma lang sa mga ganitong usapin. Nakakalungkot lang!

Read more...