RUMESBAK ang vloger at anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto sa mga bashers na tumawag sa kanya ng “sinungaling” at “ipokrita” dahil umano sa pagtatago sa kanyang pagbubuntis.
Nagsimula ang pamba-bash kay Dani nang mag-post siya sa kanyang YouTube vlog ng video nila ng asawang si Xavi Panlilio kung saan nasabi niya na first time nilang magta-travel together sa Osaka, Japan bilang bahagi ng kanilang honeymoon.
Last April 23 lang ikinasal sina Dani at Xavi sa Santuario de San Antonio Parish, sa Makati City.
Ayon sa Dani, “My mom has a rule that we can’t travel with partners unless we’re married. Pasaway lang talaga ako, e. But I think it’s a good practice for people our age.
“It makes you look forward to marriage more. It makes you look forward to traveling with your partner more,” aniya pa.
Sa Facebook page ng isang digital lifestyle site may ulat tungkol sa dahilan kung bakit first time ng newly-weds na mag-travel nang solo sa kanilang honeymoon. Ito’y may titulong, “Dani Barretto And Xavi Panlilio’s Honeymoon Will Be Their First Time To Travel Together On Their Own Because Of Mom Marjorie’s Rule.”
Ilang netizens ang nag-comment at tinawag na “sinungaling” at “ipokrita” si Dani. May isa pang nagsabi na, “buntis ka na nga di pa kasal.”
Narito ang sagot ni Dani, “I never denied or confirmed anything about this pregnancy issue, ever. I never even spoke about it. In short, pregnant or not pregnant, its not your story/news to tell. Its mine and my Husband’s.”
“I think you people are forgetting what respect means given that you’re all so opinionated and so involved about this pregnancy issue. This is none of your business. I will share whatever I want to share online.
“If I choose to keep things private, THAT IS STILL MY CHOICE.