Jayme inaming kinuha siya ng isang supporter ng LP para gumawa ng website

KINUHA umano ng isang supporter ng Liberal Party ang serbisyo ni Rodel Jayme para gumawa ng website, na siyang ginamit para mag-share ng mga kontrobersiyal na video ng “Ang Totoong Narcolist”.

Ibinulgar ni Jayme ang naturang impormasyon matapos ang isang press conference sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters sa Maynila.

Idinagdag ni Jayme na binigyan niya ng access sa website na kanyang ginawa ang isang Maru Nguyen at Maru Xie.

Sinabi ni Jayme na sinabihan siya na gagamitin ang website para ipakita ang mga nakagawa ng nakaraang administrasyon.

“Wala nga po akong idea na ipo-post ‘yung video,” sabi ni Jayme.

Read more...