Pulse Asia: 13 sa 134 partylist group sure winner

LABINGTATLO lamang sa 134 partylist group na tumatakbo sa 2019 elections ang may seguradong panalo, ayon sa survey ng Pulse Asia noong Abril.

Nangunguna ang Bayan Muna, isa sa mga grupo na tumutuligsa kay Pangulong Duterte, na nakakuha ng 7.94 porsyento. Kailangan ng dalawang porsyento para sa makakuha ng isang partylist group ng isang upuan sa Kamara de Representantes.

Sumunod naman ang Ako Bicol na nakakuha ng 6.65 porsyento na sinundan ng Magsasaka (5.32 porsyento), ACT-CIS (4.67 porsyento), APEC (4.11 porsyento), AGAP (3.55 porsyento), CIBAC (3.12 porsyento).

Sumunod naman ang Senior Citizens (2.92), Anak Mindanao (2.83), Probinsyano Ako (2.64), Anac-IP (2.44), Ang Probinsyano (2.24), at Coop-Natcco (2.07).

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema 57 partylist representatives o 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga district representatives ang uupo sa Kamara de Representantes kaya kahit na ang mga partylist group na hindi nakakuha ng dalawang porsyento ay maaaring umupo.

Ginawa ang survey mula Abril 10-14 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents.

Read more...