Alam n’yo ba na sa kabila ng pagiging rampadora on stage ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at sa galing niyang mag-project, “the struggle is real” para sa kanyang scoliosis.
Ayon sa isang health website, scoliosis is “a sideways curvature of the spine that occurs most often during the growth spurt just before puberty.”
At dahil dito, talagang kinarir ni Catriona ang pag-aaral sa kanyang iconic slow-mo twirl noong nagte-training pa lang siya para sa Miss Universe.
Sa pa-Q&A ni Catriona sa kanyang Instagram Stories sinagot ng dalaga ang tanong ng netizen kung paano niya name-maintain ang kanyang good posture sa kabila ng kanyang scoliosis.
“Lots of symmetrical, combination exercises for example squats, rows, etcetera. And posture based exercises like Pilates,” aniya.
Bukod dito, sinagot din ni Catriona ang tanong ng isa pa niyang IG follower kung ano ang maipapayo niya sa lahat ng mga young beauty queen aspirants.
“My advice would be to learn as much from the experience that you possibly can because only one girl can walk away with that title so you want an experience that you’ve learned and grown.
“So no matter what happens, you are a winner regardless,” pahayag pa ng Pinay beauty queen.