KDrama fans kontra kay Dingdong para sa ‘Descendants of the Sun’

DINGDONG AT SONG JOONG KI

Slightly ay na-bash si Dingdong Dantes when he said in a recent interveiw na wish niyang lagyan ng Pinoy flavor ang Pinoy version ng Korean drama na Descendants of the Sun na pagbibidahan niya.

“Puwede natin bigyan ng Pinoy flavor talaga. Tingin ko, kung bakit pumapatok ‘yung mga shows natin sa kanila is because very regional ‘yung mga kuwento, nakaka-relate tayong mga Pinoy. Kumbaga, parang pareho ang pinagdadaanan natin, tungkol sa pag-ibig, tungkol sa mga pinaglalaban mo — and much more, kung gawin natin in Philippine context,” he said in an interview.

And daming kumuda sa sinabi na iyon ni Dingdong. This had netizens yakking against the actor at siyempre pa against GMA and its writers na rin.

“Why a remake kung gusto ng Pinoy talaga, eh, di dapat magsulat ng original script.”

“No. There’s only one DOS #kdrama. What are you thinking @gmanetwork?”

“Walang matinong writer ang GMA kaya easiest way to have a show e kumopya na lang. Bakit pa pahihirapan ang sarili. Ctrl C at Ctrl V na lang (copy paste).”

“Utang na loob naman! Maninira na naman kau ng K-Drama DOTS pa talaga ha! Jusko! Ano na lang ang sasabihin ni Song Joong Ki (nagbida sa Korean series)!”

 

Read more...