Maine nasa top 25 celebrity taxpayer ng BIR, milyones ang kinita sa commercial

MAINE MENDOZA

NAGBABAYAD nang tamang halaga si Maine Mendoza sa Bureau of Internal Revenue bilang isang taxpayer.

Ito ang binanggit ng manager ni Maine na si Rams David sa kanyang interview sa pep.ph. Aniya law abiding taxpayer ang artist niya kahit halungkatin pa ang records ng dalaga sa BIR.

Isang fan ng Phenomenal Star ang nag-tweet na isa si Meng sa mga artistang nasa listahan ng top taxpayers pero hindi niya nabanggit kung saang region ito.

Pero puwedeng sa Sta. Maria, Bulacan nagbabayad ng kayang buwis ang Eat Bulaga Dabarkads dahil doon talaga siya nakatira. Basta sa pagkakaalam namin nasa Top 25 celebrity top taxpayer si Meng.

Hindi naman ito nakapagtataka dahil talaga namang hataw ang Dubsmash Queen sa pagtatrabaho nitong nagdaang taon.

Bukod sa regular show niya sa GMA, kaliwa’t kanan pa rin ang kanyang endorsements kung saan talagang milyones ang kinukubra niya.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na naninirahan at nagtatrabaho sa Hong Kong.

Bukod kasi sa nakita na nila up close and personal ang dalawang bida ng “Hello Love Goodbye”, nakapagpa-selfie at groufie pa sila sa mga ito.

Mabait at very accommodating daw ang KathDen na kitang-kita naman sa lumabas na mga video nila sa social media habang nagsu-shooting sa HK. Wala silang kapaguran sa pagpirma ng autograph at pagpapa-picture sa fans na bumisita sa kanila sa shooting.

 

Read more...