Young male singer ayaw nang may ka-share sa dressing Room, takot mabuking ang sikreto

PARANG mahirap paniwalaan ang kuwentong nakarating sa aming source tungkol sa isang kontrobersiyal na young male singer. Parang nakagugulat ang kuwento ng kanyang kaangasan kung totoo ang istorya.

Para kasing malayo naman sa itsura ng young male singer na magmamaangas siya, sa itsurang-itsura pa lang niya ay parang hindi siya ganu’n, pero sumusumpa ang impormante ng aming source na ganu’n nga ang lalaking personalidad.

Kuwento ng aming source, “Nangyari ang incident sa isang provincial show. Imbitado ang maraming performers, kasama nga itong young male singer na may pagkakontrobersiyal ngayon!

“Nu’ng nandu’n na sila sa venue, nagtaka ang mga namamahala sa show dahil ayaw ni young male singer na may ka-share siya sa dressing room. Iilan lang kasi ang dressing room sa venue, kaya namroblema ang mga promoters.

“Nu’ng sabihan siya na may makakasama siyang tatlong male singers sa dressing room, e, tumingin agad ang young male personality sa handler niya. Nagkakaalaman na sila kapag ganu’n.

“Hindi siya ang kailangang humirit, ang handler niya ang kumakausap sa nang-imbita sa kanya, para ligtas siya sa kaartehan. Ayaw niya talaga, siya lang daw dapat ang nandu’n.

“Kung ano ang dahilan, e, siya lang ang nakakaalam, pero siyempre, pinagpistahan na siya ng grupo kung bakit ayaw niyang may kasama siya sa dressing room.

“Ano raw kaya ang reason kung bakit? Isa, ayaw niyang may ka-share siya sa dressing room dahil marami siyang seremonyas sa katawan bago siya umakyat sa entablado.

“Ikalawa, baka raw kasi meron siyang palaging kausap sa phone na ayaw niyang iparinig sa ibang tao.

Ikatlo, baka raw kasi panty ang suot niyang underwear at hindi briefs!

“May ganu’ng kuwento? Nagpa-panty pala siya? Salbahe ang mga kumag na nagpipista, talagang kung anu-anong dahilan ang naisip nila kung bakit ganu’n kung mag-inarte ang young male singer.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sabihan n’yo na lang siya ng I love youuuuuuuu!!!!” pagtatapos ng aming impormante.

 

Read more...