ARTISTAHIN at talagang magaling kumanta ang pinakabagong Center Girl ng all-female group na MNL48, si Aly, o Jhona Alyanah Padillo.
After ng naganap na General Election ng MNL48, humarap sa entertainment press si Aly at ang dating MNL48 Center Girl na si Sheki na bumaba naman sa number 4 spot.
Ngayong taon, 48 sa 77 kandidata ay pinili ng fans sa pamamagitan ng isang voting system para maging opisyal na Second Year members ng MNL48 at si Aly nga ang nakakuha ng pinakaraming boto.
Ranking at 26 in last year’s General Election, sinabi ni Aly na sobrang grateful siyang mapili bilang Second Year Center Girl.
“Sobrang nakakataba po talaga ng puso dahil akala ko po prelim lang po aki magiging rank 1. Hindi ko po talaga inaasahan yung naging resulta kasi marami po akong kilalang deserving sa spot na ito.
“Kaya po ngayon bilang Center Girl, maaasahan po nilang gagawin ko ang best ko at magiging responsable ako sa aking posisyon. I take this as an opportunity po para maipakita pa yung ibang side ko aside from my cute image,” ani Aly.
Sumunod naman kay Aly si Sela, at nasa rank 3 naman si Abby. For Sela, mahirap maging idol pero nananatili siya dahil sa passion niya sa pagkanta.
“It’s cliche pero kasi kapag nandito ka na ang hirap nang umalis because you love what you’re doing kaya nagpapasalamat ako sa mga fans ko na patuloy na naniniwala sa akin.” sey ni Sela.
Para naman kay Abby, “Sobrang hirap po talaga magcampaign lalo na’t may ini-ingatan kang imahe, hindi tulad noong First Generation na kung saan-saan kami pumupunta para magpavote. Ngayon hihintayin mo talaga kung sino yung taong susuporta sayo.”
Hiningan din ng press ng reaksyon si Sheki (Shekinah Arzaga) tungkol pagkakaluklok kay Aly bilang CG ng MNL48, “Una palang naman po talaga, sinabi na ng management na hindi po talaga ako permanent, hindi po palaging ako ang center.
“Lagi po nasa isip namin na kailangan din po natin ibigay sa ka-members po natin para lahat po kami magkaroon ng exposure, maipakita po namin ang mga talent po namin,” ani Sheki.
Dugtong pa niya, “Aaminin ko po na hindi pa po ako sanay (na hindi na center girl) dahil one year din po ‘yun but it’s been an honor for me na maglingkod sa grupo. And ngayon na new chapter na, sana po patuloy pa din ang maging suporta sa amin ng mga supporters po namin.”
Ito naman ang payo niya kay Aly at sa mga bagong pasok na miyembro ng MNL48, “Sa mga bagong members po ng MNL48, lagi ko po sinasabi na kahit na ano ang mangyari, tuloy lang po kahit ano po ang pagdaanan naman lahat. Ngayong second year na po, new chapter din po ang haharapin namin. Pagtutulung-tulungan po namin ito lahat.”
Samantala, naghahanda na ang MNL48 para sa kanilang 4th single na iri-release na anytime soon.
Narito ang pagkakasunud-sunod o official ranking ng MNL 48 Senbatsu: Aly, Sela, Abby, Sheki, Sayaka, Jamie, Alice, Ash, Rans, Faith, Jan, Gabb, Jem, Kyla, Grace at Rowee.
Last year, tinanggap ng grupo ang Youth Model of the Year mula sa Pinoy Pop Awards. Subscribe and follow MNL48’s social media accounts and download the FA Club App available on Google Play Store and App Store for updates.