Tinanggihan ng semi-retired actress cum performer ang kanyang ex-boyfriend na aktor na humirit ng part 2 sa kanilang relasyon. Ayaw na raw niyang sumakit pa ang ulo niya.
Kuwento ng aming source, “Binalikan siya ni ____ (aktor) pero tinanggihan niya kasi ayaw na niyang mamroblema. Mahirap daw kasi mag-boyfriend ng sikat. Tiyak maraming may ayaw lalo’t hindi naman siya aktibo ngayon. Mas okay na magkaibigan na lang sila.”
Nabanggit pa na nag-open daw ng mga problema niya ang aktor sa kanyang ex at pinayuhan naman daw niya ito.
“Mahirap ang sikat, maraming problema, maraming iniisip. Ganu’n naman talaga di ba, kapag nasa tuktok ka, maraming stuggles,” say pa ng aming source.
Samantala, si actress-performer ay tahimik ang buhay ngayon at maraming raket sa labas ng bansa kaya hindi pa siya aktibo sa telebisyon. At higit sa lahat, wala siyang boyfriend ngayon dahil ayaw niya ng sagabal sa trabaho.
“Pero alam ko love pa rin naman niya si ____ (aktor), kaya lang mas pinili nito ang tahimik na buhay. Malay mo pagdating ng panahon sila pa rin,” sabi pa sa amin.
Simpleng tao lang kasi si aktres at hindi mahilig gumimik bagay na nagustuhan ng aktor kaya siguro siya binabalikan.