TULOY na tuloy na ang kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Media ngayong Disyembre kahit maraming nagpayong sa 2020 na lang nila ito gawin. Nayong taon din kasi namatay ang ina nina Rodjun at Rayver Cruz na si Ms. Elizabeth Cruz.
“Marami nga po talagang nagsabi na iurong na namin next year, kaso po hindi na puwede kasi nabayaran na namin lahat ng supplier tapos ‘yung sa reception at church wala na pong available dates na puwede. Hindi naman po ibabalik sa amin ang binayad namin in case na iurong.
“Plus lahat po ng relatives namin at friends from the other countries naka-book na, so nakakahiya po na ipa-move, mas malaking gastos po,” paliwanag sa amin ni Dianne nang makausap namin habang patungo kami ng Marco Polo Hotel sa Davao City nitong Lunes.
Nabanggit din ni Dianne na may kasabihan naman sa Chinese na bawal ikasal before 100 days kapag namatayan, “E, more than 100 days naman na po, January namatay, December naman ang kasal namin ni Rodjun,” pahayag ng dalaga.
Tinanong namin kung tapos na ang bahay na ipinagagawa nila ni Rodjun, “Hindi pa po, eh,” sambit ni Dianne. Ang lupa na titirikan ng bahay nila ni Rodjun ay regalo ng tatay ni Dianne kaya kahit medyo matrrapik ang lugar ay doon pa rin sila titira.
“Sobrang traffic nga po kasi sa Fairview ‘yun, nandoon na rin po nakatira ang kapatid ko at nagmahal bigla ang lupa roon. ‘Yun lang po traffic pero mas gusto ko na po kasi Quezon City pa rin,” paliwanag ng future wife ni Rodjun.
Hindi naman nabanggit ng TV host-actress kung ilang anak ang usapan nila ni Rodjun dahil kailangan pa niyang magpa-check up dahil nga parehong namatay sa cancer ang mama nila ni Rodjun.
Samantala, co-host ni Dianne si Matteo Guidicelli sa ginanap na Go Pilipinas Go Pep Rally para sa 2019 Palarong Pambansa na kasalukuyang ginaganap ngayon sa Davao City.