Spokesman ng isang ahensya gwapong-gwapo sa sarili

PARAMI nang parami ang nakakapansin sa paglaki ng ulo ng isang opisyal ng isang ahensya ng pamahalaan.

Dahil siya ang tagapagsalita sa ahensyang kanyang pinaglilingkuran kaya natural lamang na siya ang hanapin ng mga miyembro ng media kundi available sa interview ang pinuno ng nasabing tanggapan.

At dahil mahiyain o talagang takot sa mga reporter ang pinuno ng tanggapan na ito kaya laging ang ating bida ang hinahanap ng mga mamamahayag para makapanayam sa ilang isyu.

Dahil ganun na nga ang sitwasyon ay lalo namang yumabang si Director sa kanyang pakikitu-ngo sa media.

Ngayon ay namimili na ito ng mga kakausapin at makailang beses din siyang nagkansela ng ilang set interviews dahil hindi niya type ang reporter na mag-iinterview sa kanya.

Sinabi naman ng ilang babaeng mamamahayag na may ibang treatment si Sir kapag maganda ang nagsasagawa ng interview sa kanya.

Kung sabagay ay hindi naman lingid sa ilang mga mamamahayag na ilang lady reporters rin naman ang pinormahan o kaya ay niligawan ni Sir.

Sa kabila ng kanyang pagiging “below the average Joe” ay nananatili pa rin ang kanyang pagiging “GGSS” (Gwapong-Gwapo Sa Sarili).

At dahil laman ngayon ng mga balita ang kanyang tanggapan kaya mas lalo siyang in-demand sa mga interviews.

Pero tulad ng kanyang bagong ugali, namimili ito ng mga kakausapin lalo na sa mga live radio interviews.

Ang ngayon ay mapagmalaki at namimili na ng mga kinakausap na miyembro ng media na tagapagsalita ng isang ahensiya ng pamahalaan ay si Mr. J…as in Java Man.

Read more...