UMATRAS na si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas sa pagtakbo nito sa pagkagubernador ng probinsya sa Mayo.
Kaya wala ng kalaban ang anak ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na si Ilocos Norte 2nd District Senior Board Member Matthew Marcos Manotoc.
“I did not really want to run for any office as I want to retire on Jun 30 – after 39 years since I started as Laoag City Mayor on March 3, 1980, at the age of 27,” ani Farinas. “From Day 1 of the campaign until today, having covered 272 of my district’s 285 barangays, I’ve been announcing in my speeches that I was not running for Governor.”
Umaasa naman ni Farinas na paglilingkuran ng maayos ni Manotoc ang kanyang probinsya.
“I hope that given his youth and vigor, and that he has barely served the public in three years, he will serve the province excellently like I did.”
Ayon kay Farinas wala siyang ipinagawa kahit na isang campaign poster at wala ang kanyang pangalan sa sample ballots.
Hindi rin umano siya umiikot sa ibang distrito para mangampanya.
“58 days na lang, FREEDOM!” ani Farinas.
Ayon sa solon nagkaroon siya at ang mga Marcos ng kasunduan na hindi sila magtatapatan sa eleksyon.
Pero tumakbo umano laban kay Ria si Ryan Remigio na kaalyado ng mga Marcos. Si Ria ay tumatakbo kapalit ng kanyang ama.
Tumakbo rin umano si Michael Marcos Keon laban sa pamangkin ni Farinas na si Laoag City Mayor Chevylle Fariñas.
Humabol si Farinas at naghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-gubernador. Si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos naman ay umatras sa gubernatorial race at pinalitan ni Manotoc.