JODI nahihiyang mag-pose sa FHM: Hindi ko keri!!!

PASOK ang Kapamilya leading lady na si Jodi Sta. Maria sa top 100 ng FHM Sexiest Women, nasa ika-59 pwesto ang aktres sa survey na ginawa ngayong 2013.

Hindi pa kailanman nag-pose sa nasabing men’s magazine si Jodi kaya ang tanong ng kanyang fans, pwede ba siyang mapapayag na mag-pictorial nang nakahubad?

“I don’t know, actually first time yata nangyari ‘yan (pumasok sa top 100). So, thank you if you find me sexy, hindi ko naman iniisip ‘yan!” chika ng aktres.

“But actually, parang hindi ko pa keri na mag-pose ng sexy! “Okay na ako sa mga wholesome magazine. Du’n na lang muna, tsaka nakakahiya,” sey pa ng girlfriend ni Jolo Revilla.

Read more...