James puro lait ang natatanggap bilang judge sa Idol PH

JAMES REID

SANA ay ganyan din kabongga ang puwede nating sabihin kay James Reid sa pagkakasali niya bilang hurado sa Idol Philippines.

Bukod kasi kay Moira dela Torre, matindi rin ang mga pambabatikos ng viewers and netizens kay James sa pag-upo niya as judge ng Idol Philippines alongside Vice Ganda and Regine Velaquez-Alcasid.

Sa mga ipinakita raw kasing episodes ng reality singing search ng ABS-CBN, halos iisa ang tabas o linya ng pagiging hurado ni James, sort of saying na “kapos na kapos” pa ito sa karanasan at mga dapat na sinasabi bilang judge.

Well, hintayin natin ang kanyang pag-mature bilang isang hurado soon at baka naman may pag-asa pa.

At ano na nga ba ang nangyari sa pelikula niyang “Pedro Penduko”? Mukhang nabantilawan na rin. Baka naman mas mauna pang lumipad si Nadine as Darna, ha!

Or suggestion lang, bakit hindi na lang pagsamahin sina Pedro Penduko at Darna sa isang movie? Bet n’yo? Ha-hahaha!

Read more...