PORMAL nang pinirmahan ng mga pinuno ng Department of Labor and Employment (DOLE), Civil Service Commission (CSC), at Social Security System (SSS), ang implementing rules and regulations (IRR) ng Expanded Maternity Leave Act, na itinapat sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa San Fernando, Pampanga.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas ang Expanded Maternity Leave Act noong Pebrero kung saan itinaas sa 105 araw ang bayad na maternity leave at may opsyon na karagdagang 30 araw na walang bayad.
Samantala, may karagdagang 15 araw na leave ang mga solo mothers.
Pinalitan ng bagong batas ang dating batas kung saan pinapayagan ang 60 na araw na bayad na maternity leave para sa mga normal na nanganak at 78 araw para sa mga cesarean delivery.
Pinuri naman ni Sen. Risa Hontiveros ang pagpirma ng IRR ng batas. Si Hontiveros ang pangunahing may-akda ng batas sa Senado.
“I welcome this development as this ensures the full implementation of the law and that all women will benefit from the measure,” sabi ni Hontiveros.
“This is certainly good news to all women workers and their families who have patiently waited for the law’s IRR,” dagdag pa ni Hontiveros.