Kilalang aktor grabe ang kaelyahan, nagparaos kahit sa likod ng kurtina


PINAGPISTAHAN sa isang malaking umpukan ng mga personalidad ang isang kasamahan nilang male personality na sobrang likot ng armas.

Wala siyang patawad, basta ginusto niyang magpaalpas ng init ng katawan, kahit saan ay puwede niyang gawin.

Nang maghulog kuno ng kaelyahan ang langit ay nagtanggal ng bubong ang male personality kaya ganu’n siya kahilig sa pakikipagsiping.

“Nakakaloka ang lalaking ‘yun lalo na nu’ng kabataan niya! Super-init ng libido niya, kaya basta may nataypan siyang girl, kahit saan, makagagawa siya ng paraang makipag-do.

“Ibang klase siya, parang ngayon lang siya namumulat sa mundo ng pakikipag-sex. Nakakahiya mang sabihin, pero ilang paligo na lang at parang maniac na siya!

“Imagine, kahit sa likod ng kurtina lang, e, nakakapagpaalpas siya ng init ng katawan! Wala siyang pinipiling lugar, lahat ng kanto, lahat ng lugar, e, okey sa kanya!” nanlalaki ang mga matang chika ng aming source.

Pinagpistahan din ang “kayamanan” ng aktor na walang makapagnanakaw at makaaagaw dahil kanyang-kanya lang ‘yun. Kung ilarawan ‘yun ng marami niyang kaibigan ay paa ‘yun ng sanggol na naligaw lang sa pagitan ng kanyang mga hita.

“Panalo siya! Lahat ng nakasama niya sa paglipad sa alapaap, talagang sumusumpa na sobrang dakila ang male personality na ‘yun.

“Pero impernes, medyo disiplinado na siya ngayon, ha? ‘Yung mga unang kuwento e, nu’ng medyo bata pa siya. Pero ngayong pamilyado na siya at naglalakihan na ang mga anak niya, e, behave na si aktor!

“Nahihiya na rin siguro siya sa sarili niya dahil sa age niya ngayon, e, dapat na siyang magbago. Saka napakaselosa ng wife niya!

“Bantay-sarado sa kanya ‘yun, talagang minamanmanan nu’n ang mga galaw niya! Nadala na nga kasi ang girl sa pagiging malikot ng mister niya!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya! D’yan, d’yan siya magaling, walang mas lilikot pa kesa sa kanya sa aparato ng mga kababaihan!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...