Labor day job fair

LIBO-LIBONG trabaho ang naghihintay para sa mga naghahanap ng trabaho na nakatdang isagawa sa Araw ng Paggwa ngayong araw.
Ang labor day y brainchild ng Department of Labor and Employment.
Ayon sa DOLE, magkakaroon ng 54 job fair site sa buong bansa. Aabot sa 120,000 mga trabaho ang naghihintay sa mga aplikante. kung saan higit 50,000 ay lokal na trabaho, habang 73,000 ay overseas at 18,000 job vacancies naman ay posisyon sa gobyerno.
Kabilang sa mga iniaalok na trabaho sa gobyerno ay para sa mga officers at non -uniformed personnel ng Philippine
National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Internal Revenue, Armed Forces of the Philippines at iba pang government agencies.
Sa private sector naman, ang mga trabaho na iniaalok sa mula sa 1,000 agencies, 31 sites kabilang na ang TNK- Build Jobs Jobs Jobs caravan sa Kingsborough International Convention Center.
Karamihan sa mga job vacancies sa private sector ay mula sa services sector habang maliit na bahagi naman ng bakanteng trabaho ang galing sa industry at agriculture sector.
At iba pang local available jobs ay gaya mg customer service representative, machine operator, sa lara gab ng construction sa ilalim Build Build Build program.
Iba pang top vacancies ay collection specialist, cashier, retail/sales agent, accounts specialist, service crew, utility staff, bagger, at skilled sewer.
Para sa overseas placement, kabilang sa mga bakante ay para factory worker, nurse, machine operator, welder, house worker, waiter/waitress, baker, kabilang English teachers sa Thailand.
Giit ng DOLE, samantalahin ng mga job seekers ang pagkakataon na makakuha ng trabaho.

Tiniyak din DOLE na ang lahat ay ginagawa ng pamahalaan upang mabigyan ng disenteng trabaho ang bawat Pilipino at maiwasan ang pagtaas ng unemployment rate.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...