Grupo ng fans nina Alden at Maine namaalam na; isusulong daw ang tambalang Mai-Chard

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

BUMULAGA sa Twitter world kahapon ang hashtag na #ALDUBxADNThankYou.

Sa mensahe ng isang Team OAT na may handle name na @ofctrendsetter, may himig ng pamamaalam ang kanyang tweet.

“We cannot express how grateful we are to have YOU ALL in our journey as Official ALDUB Trendsetter. Still, massive THANK YOU for sharing the joys, laughter and positivity. I’s not goodbye.

Until next time, Family,” ang ipinost nitong message.

Pinasalamatan din niya sina Alden Richards at Maine Mendoza pati na ang buong AlDub Nation at ang iba pang grupo na sumuporta at patuloy na nagmamahal sa AlDub loveteam.

Abangers na lang natin ngayong araw kung sino ang papalit sa TeamOAT. Basta ang ilangs fans ng Dubsmash Queen at Pambansang Bae, MaiChard na ang tawag sa iniidolo at minamahal nilang phenomenal loveteam.

Read more...