Diretsong tinanong ng isang netizen si Kris Aquino kung mahal pa rin ba niya ang isang “mayor” na naging bahagi ng kanyang buhay noon.
Ayon sa netizen, bahala na raw si Kris kung sinong mayor ang tinutukoy niya. Dalawang alkalde ang naging espesyal sa buhay ng Social Media Queen noon, si Quezon City Mayor Herbert Bautista at dating Parañaque Mayor Joey Marquez.
Diretso rin naman itong sinagot ni Kris, aniya isang mayor lang ang talagang nag-iwan ng marka sa kanyang puso.
“Mayor Herbert falls in the category of LOVING THE IDEA OF ALL THAT COULD HAVE BEEN,” ang ipinost ni Kris sa kanyang Facebook page.
Dagdag pa niya, “He is too set in his ways, as I am in mine… and between the two of us, sa sobrang excess baggage, the airplane could never have taken off.”
Kung matatandaan noong 2014, inamin ni Kris na nag-propose sa kanya si Bistek pero nauwi rin sa wala ang kanilang relasyon. Pero ayon sa TV host-actress nananatili pa rin silang magkaibigan ni Herbert.