Horoscope, May 01, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: A-Uno na at nagkataong Holiday pa! Matapos mag-simba sa Our Lady of Manaoag, mag-painom ka naman, kahit manggang’t bagoong lang ang pulutan. Sa ganyang paraan tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ka sa figurine o kaya’y painting ng isang babaing sexy na mahaba ang buhok. Mapalad ang 4, 8, 11, 17, 24, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Yellow at blue buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa buwang ito ng Mayo tuloy-tuloy na darating ang suwerte sa larangan ng salapi at pag-ibig. Suwerte ka sa isang nilalang na tahimik, nakauniporme at mahusay magdala ng damit. Mapalad ang 7, 11, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.” White at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ipagpatuloy ang regular na page-ehersisyo. Sa ganyang paraan, lalo kang gaganda at se-sexy. Tandaan ding ang masarap na romansa ang magpapalakas ng immune system at magdadala ng maraming suwerte. Suwerte ka sa lahat ng bagay na may hugis puso. Mapalad ang 6, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Ngayon pa lang mag-ipon ka na ng maraming pera upang maraming kang pang handa sa darating mong kaarawan. Basta’t ituloy mo lang ang ugalingt sugod ng sugod at nagmamatapang, tuloy-tuloy ang dating suwerte at magandang kapalaran. Suwerte ka sa mga driver na kaskasero pero sigurado namang magmaneho. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ang pagtulong sa kapwa ang magbibigay ng magandang kapalaran. Habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, lalo kang susuwertehin, lalo kang sasagana at kusang darating ang true love. Suwerte ka sa mga bagay na may tubig. Mapalad ang 2, 11, 19, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Mag-isip ng dagdag pagkakakitaan ngayong bakasyon habang nagswi-swimming. Sa ganyang paraan, magiging productive ang leisure time mo. Suwerte ka sa mga pandisplay, painting o kaya’y may nililok na may kaugnayan sa araw at mga bituin. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag kang matakot na magsimula ng anumang negosyo o pagkakakitaan, dahil sa panahong ito ng tag-araw, malapit na malapit ka ng yumaman. Panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Libra na napaka-sarap romomansa. Suwerte ka sa mga bagay na sinangkapan ng pilak at ginto. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Malapit na ang Mother’s day. Pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa iyo, lalo na si Inay. Bukod sa cake bigyan din si nanay ng pera at nang tatlong pulang rosas. Sa ganyang paraan magtutuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Suwerte ka sa mga nilalang na mahilig magsulat. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Red at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa umpisa gawin mong magisa ang mga proyekto pero kapag hindi mo na kayang tapusin, humingi ng tulong sa isang Virgo. Sa ganyang paraan, uunlad at susuwertehin ka. Suwerte ka sa mga libro at iba pang babasahin. Mapalad ang 1, 23, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tuloy-tuloy lang na darating sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran na may kaugnayan sa salapi. Hindi ka dapat maging bulagsak, matutong magtipid at mag-ipon. Suwerte ka sa isang bading o bakla na maskulado at may kayumangging kulay ng balat. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Navy blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay. Maglalabas ng bahay, dahil sa mga politiko, malaking salapi ang kikitaain mo. Suwerte ka sa mgta bagay na nahukay sa ilalim ng lupa. Mapalad ang 7, 12, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Panahon na upang pairalin mo ang sarili mong gusto. Kapag pinairal mo ang sarili mong gusto maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapapasa iyo. Suwerte ka sa magulo at hindi sinuklay na buhok. Mapalad ang 4, 9 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Itutok ang iyong lakas, panahon at resources sa iisang gawain lamang. Sa ganyang paraan, may konsentrasyon ka, magsisimula ka ng yumaman. Suwerte ka sa pag-aalaga ng mga isda. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.

Read more...