SUPORTADO ng mga sikat na artista at sports personalities ang 1- Patriotic Coalition of Marginalized Nationalist partylist.
Mahigit sa 3.7 milyong views na sa YouTube ang mga video ng 1-Pacman kung saan makikitang nagsasayaw sina Pambansang kamao at Sen. Manny Pacquiao, dating Sen. Lito Lapid, Miss World Philippines 2017 Winwyn Marquez, at mga artistang sina Enzo Pineda, Mark Herras, Diana Zubiri, Diego, at John Estrada.
Gayundin ang mga PBA player na sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Mark Caguioa, Beau Belga, Jayson Castro, mga volleyball player na sina Mica Reyes, Melissa Gohing, Cha Cruz at Rachel Daquis, WBA Asian Lightweight Champion Romero Duno, at Reymart Gaballo, WBA Bantamweight Interim Champion.
Ayon kay 1-Pacman Rep. Mikee Romero, isang sports patron at dating basketball team owner sa Philippine Basketball Association, malayo ang mararating ng mga Filipino sa tulong ng mga tapat na lider.
Sinabi ni Romero na daragdagan ng kanyang grupo ang 12,000 iskolar na pinag-aaral nito kung muling mananalo.
Siya ang isa sa may-akda ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, Free Wi-Fi in Public Areas Act, Universal Health Care Act, Free Irrigation Services to All Farmers Act at pagtatayo ng Philippine Sports Training Center.
Bago pumasok sa pulitika, si Romero ay nasa Manila North Harbor at AirAsia Philippines.