AABOT 21 katao ang nasugatan nang araruhin ng trak ang ilang sasakyan sa Camrona, Cavite, Lunes ng umaga.
Bukod sa mga sugatan, 11 sasakyan ang napinsala, kabilang ang isang patrol car, ayon sa inisyal na ulat ng Cavite provincial police.
Naganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Mabuhay, dakong alas-10.
Minamaneho ni Ronnie Obrique, ng Quezon City, ang 8-wheeler truck (WMS-400) patingong Biñan, nang bigla umanong magloko ang preno.
Dahil dito’y naararo ng trak ang ibang sasakyan.
MOST READ
LATEST STORIES