Nadine waging best actress sa FAMAS; Juday, Angelica, Sarah talo

NADINE LUSTRE

Tinalbugan ni Nadine Lustre ang mga veteran actress na nakalaban niya sa best actress category ng 2019 FAMAS Awards na ginanap last Sunday sa Meralco Theater.

Siya ang nanalong best actress for “Never Not Love You”. Tinalo niya sina Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Perla Bautista (Kung Paano Hinhintay Ang Dapithapon), Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Sarah Geronimo (Miss Granny), Pokwang (Oda sa Wala), at Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Story).

In her acceptance speech, Nadine admitted that she did not really want to do the film dahil meron siyang pinagdaraanan that time. Gusto na raw niyang mag-back out sa project.

“Oh my God, hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. FAMAS, maraming-maraming salamat po. Gusto ko lang ikuwento sa inyo yung naging na-experience ko dito sa Never Not Love You.

“Noong October 2017 po kasi, merong isang malaking bagyo na dumaan sa buhay ko, and sobrang malaki ang damage po ang ginawa nito sa akin.

“So a few months po before namin umpisahan yung Never Not Love You, palagi ko pong iniisip kung itutuloy ko kasi nararamdaman ko na baka ma-disappoint ko lang sina Direk Tonette at sina Boss Vic,” she added.

“Salamat kay James na lagi akong pinu-push to be at my very best at sinisigurado na naalaala ko na I am bigger and stronger than any storm that comes my way,” Nadine further claimed.

Read more...