Kilalang male personality buking na ang kabadingan, taxi driver na-shock

KAILANGANG nag-iingat ang kahit sinong personalidad kapag nasa mga pampublikong lugar sila.

Wala silang maitatago, lalo na ngayong mapagmilagro ang social media, siguradong pati bituka nila ay mabubuyangyang.

Sa paggamit ng mga pampublikong sasakyan ay dobleng ingat din ang dapat gawin ng mga artista dahil nakukuha nila ang atensiyon ng driver.

Ayaw mang manghimasok ng nagmamaneho sa personal na buhay ng kanyang pasahero, kapag mismong artista na ang naglalantad, may magagawa pa ba ang dribam?

Kuwento ng aming source, “Tulad na lang ng isang male personality na sakay ng isang taxi. Nag-alsa-balutan siya, dala-dala ang mga kagamitan niya, pero may tinawagan siya.

“Galit na galit ang male personality, kuda nang kuda, kaya natural, naririnig ng driver ang mga pinagsasasabi niya! May kaaway ang male personality, karelasyon niya ang nasa kabilang linya, lalaki ang kanyang kausap!

“Napapamulagat siyempre ang driver kapag sobrang personal na ang mga sinasabi ng male personality!

Hindi siya nag-iingat, matagal nang pinagdududahan ang gender niya!” simulang chika ng aming source.

Matagal na matagal ang kanilang pag-uusap, nagkakamurahan pa nga ang magkausap sa cellphone, nakikipagkalas na ang male personality na nasa kabilang linya.

“Kilala siya ng taxi driver, napapanod pala siya sa isang serye, hindi siya puwedeng mag-deny dahil gustung-gustong pinanonood ng dribam ‘yung serye tungkol sa mga kabit.

“Naku, kailangang nag-iingat ang male personality na ‘yun dahil marami nang nakakakilala sa kanya. Siya mismo ang nagbibilad ng mga kakuwanan sa buhay niya!

“Hindi na magdududa ngayon ang driver kung ano ang gender niya, confirmed na ‘yun, becki nga ang male personality! Iparinig niya ba naman du’n sa tao ang mga kuda niya, natural, nabuking siya!” pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sino ang male personality na ito, napakadali, sa totoo lang!

Read more...