DUMARAMI ang mga Pinoy ang nagkakasakit sa kidney o bato. At ang hinala nga ng ilang eksperto ay dahil ito sa pagkain ng mga fast food, sitsirya at sobrang maaalat na pagkain.
Narito ang ilang paalala na dapat mong tandaan para mapa-ngalagaan ang iyong kidney.
1. Bawasan ang pagkain ng maaalat.
2. Limitahan ang protina sa pagkain. Mas dagdagan ang pagkonsumo ng prutas, gulay at isda.
3. Limitahan ang pag-inom ng pain reli-ver. Kung maaari huwag lalampas sa isang linggo ang pag-inom nito.
4. Uminom ng walo hanggang 10 baso ng tubig kada araw.
5. Kumonsulta sa doktor para malaman ang tamang gamutan para sa iyo.
10 senyales na may problema ang iyong kidney
KUNG sa tingin mo ay may sakit ka sa bato dulot ng iyong high blood pressure, diabetes, o dahil may history ang pamilya mo nang sakit na ito, o dahil na rin sa mahigit 60 anyos ka na, narito ang ilang senyales:
1. Madali kang mapagod
2. Hirap sa pagtulog
3. Dry at itchy skin
4. Madalas na pag-ihi
5. May nakikita kang dugo sa iyong ihi
6. Mabula ang iyong ihi
7. Madalas na namumugto ang mga mata.
8. Madalas mamanas ang iyong paa at sakong
9. Walang gana kumain
10. Naninigas ang mga muscles