Heart, Chiz kakaririn uli ang paggawa ng baby sa 2020

NEXT year muling ita-try ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero na makabuo ng baby.

Binigyan ng chance ng Kapuso actress ang kanyang Instagram followers na magtanong sa kanya sa pamamagitan ng IG Stories. Isa nga sa kanila ay nagtanong kung may plano pa silang magka-baby ni Chiz.

Kung matatandaan, hindi natuloy ang pagbubuntis ni Heart sa kanyang kambal matapos makunan last year. Dahil dito dumaan ang aktres sa depresyon at matinding kalungkutan.

Ngunit sa kabila nga ng nangyari, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Heart, patuloy niyang ipinagdarasal na sana’y biyayaan pa rin sila ng baby ni Chiz.

“I am currently focusing on the universe all of a sudden presented to me and so maybe we try again end of next year,” pahayag ng aktres .

Pero aniya, hindi na muna niya ibabandera sa publilko sakaling mabuntis na siya, ipapaalam lang daw niya ito kapag nanganak na siya.

“I will sure to protect my baby from any kind of negative energy,” sey pa ng misis ni Chiz.

Ilang netizens naman ang humingi ng advice kay Heart kung paano maging positive sa kabila ng maraming isyu na ibinabato sa kanya ng bashers sa social media.

Sagot niya, “Think of the other people who are suffering more. Life is not perfect (believe me), that’s why they don’t call earth HEAVEN.

“Living a good life means being healthy and happy – everything else is a bonus,” aniya pa.

Ibinahagi rin niya sa kanyang followers ang kanyang mantra o motto in life, “Perfection is not of this world. Kindness is something you work hard for.

“It takes 10, 000 teardrops to start loving yourself. At the end of the day, only God’s opinion matters. Love with all your heart and just LIVE LIFE,” lahad pa ni Heart.

Read more...