Hugot ni Angelica: Pag nagbigay ka susukatin mo? May pangsukat ka?


SINUPALPAL na naman ni Angelica Panganiban ang isa niyang Instagram follower na nagkomento about her personal life.

Hindi nagustuhan ng Kapamilya actress ang pakikialam ng netizen sa kanyang lovelife kaya talagang sinagot niya ito at i-pinamukha na wala itong karapatang husgahan ang kanyang pagkatao.

Ayon sa Instagram user na si @juan225diego, “You’re beautiful, but the reason why all your relationships ended up not favorable to you is because you give all of you so easily.”

Ang tinutukoy nito ay ang naging relasyon ni Angelica kina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Ito naman ang resbak ng aktres sa netizen, “And what’s wrong with giving ‘all of you’? ‘Pag nagbigay ka susukatin mo? May pang sukat ka? Kasi kung meron, my gaaad pahiram please.”

Kilala si Angelica sa pagiging patola sa mga bashers, lalo na kapag personal na buhay na niya ang pinag-uusapan.

Wala rin siyang keber sa pagsagot sa mga haters kapag inookray na ang pagkatao niya, talagang nakikipagpalitan siya ng maaanghang na salita sa mga ito.

Read more...