2 OFWs pinatay ng serial killer sa Cyprus?

PATAY na nang matagpuan ang dalawang babaeng overseas Filipino worker na nauna ng napaulat na nawawala sa Cyprus at posibleng biktima umano ng isang serial killer.

Ang mga labi nina Mary Rose Tiburcio, 38 at Arian Palanas Lozano, 28, ay natagpuan sa isang abandonadong minahan may 20 milya ang layo mula sa Nicosia.

“Their bodies were found naked, bound and wrapped in sheets. They were dumped in a flooded mineshaft,” ani Rep. Aniceto Bertiz III. “The police in Nicosia already have a suspect in custody, a 35-year-old man who is a captain with the Cyprus National Guard.”

Ang mga bangkay ay natagpuan ang mga turista mula sa Germany noong Abril 14.

Si Tiburcio, ng Talavera, Nueva Ecija, at ang anim na taong gulang niyang anak na babae ay iulat na nawawala noong Mayo 2018. Hindi pa malinaw kung nasaan na ang anak na si Sierra Graze Seucalliuc.

Ang suspek ay mayroon umanong military background at umamin sa pagpatay sa dalawang Pinay at limang iba pang dayuhan.

Inamin umano ng suspek na sinakal niya hanggang sa mamatay si Lozano habang sila ay nagtatalik. Si Lozano ay napaulat na nawawala noong Hulyo 2018.

“The suspect also said during interrogation that he had a thing for Filipino women – that in his own sick way he was captivated by Filipino women,” ani Bertiz.

Kabilang umano sa lima ang OFW na si Maricar Arquiola, 30, na nawawala noon pang Disyembre 2017.

Nakikilala umano ng suspek ang mga biktima sa pamamagitan ng isang online dating app.

Nanawagan si Bertiz sa Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment na agad iuwi ang bangkay ng mga biktima at tutukan ang kaso upang mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

Read more...