Target ni Anne sa balik-alindog program: 115 lbs

ANNE CURTIS

Sa loob lang ng ilang araw, naka-1 million likes at libu-libong comments ang swimsuit photo ni Anne Curtis sa Instagram.

Hindi inaasahan ng TV host-actress na pupusuan ng milyong netizens ang kanyang litrato na kuha noong magbakasyon sila ni Erwan Heussaff sa Napa, California.

Ipinost ni Anne ang nasabing litrato sa IG na may caption ng conversation nila ng kanyang asawa tungkol sa kanyang “pagtaba.” Narito ang palitan nila ng dialogue.

“Erwan: Go. Face me.”

“Me: No!”

“Erwan: Why?”

“Anne: May burger pa sa tummy ko!”

Dito nga nag-comment ang isa niyang follower ng, “Parang tumataba ka Anne” na sinagot niya ng, “I knooooooow! Food is life e. Seeeeeereeeh.”

Nag-promise naman siya sa kanyang fitness trainer na si Arnold Aninion na very soon ay babalik na siya sa kanyang regular workout. Pinayuhan naman ang aktres ni Arnold na umiwas na muna sa pagkain ng “burger, fries, steak, pasta, and ice cream.”

Ayon kay Anne sa kanyang balik-alindog program ang target niyang ma-achieve uli ay ang kanyang pre-YOLO (You Only Live Once) weight – 115 pounds.

Read more...