NAGLABAS ng mensahe ng pasasalamat si Alden Richards sa Twitter para sa lahat ng sumuporta sa opening ng family business nilang global food chain na matatagpuan sa Biñan Highway, Laguna nu’ng Biyernes.
“Ang SALAMAT ay isa sa mga salitang hindi nakakapagod sabihin lalo na sa mga taong hindi nagbabago at patuloy kang binibigyan ng inspirasyon at tiwala.
“Kaya maraming salamat SAINYO para sa walang sawang suporta. Kayo ang aking lakas,” tweet ni Alden.
Sa naglabasang fotos sa social media nu’ng opening day ng food chain, hindi lang ang aliwin ang customers bilang artista ang ginawa ng Pambansang Bae.
Pumapel din siyang tagakuha ng order, tagabalot ng take home at naging cashier pa, huh!
Ang estimate nga ng mga taong pumunta sa pagbubukas ng fast food business ni Alden ay 10,000, huh!
Hindi rin binigo ang Kapuso heartthrob ng ilan niyang kaibigan sa showbiz at talagang sumugod sila sa Laguna para suportahan si Alden sa bagong business venture nito.
“It’s a really a big investment. Hindi siya biro. When applying for a franchise, the company will be looking at the social influence of the area, and kung gaano ka kakilala sa area, kumusta yong rapport mo with the community, the government officials, with the schools and hospitals, how involved are you in community service,” pahayag ni Alden about his new business.
“I want to expand, pero through acquisition of the company-owned stores. I’ve met different owner operators. They have seven, they have 11 stores na.
“‘Yon din ‘yong dream ko. Since na-start na natin, itutuluy-tuloy na rin natin,” sabi pa ng Pambansang Bae.