Kaisa si Imee sa paggunita ng Araw ng Paggawa

MULING gugunitain sa Miyerkules, Mayo 1, ang Araw ng Paggawa bilang pagbibigay pugay sa milyong-milyong manggagawa sa bansa.
Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ay ang pagnanais ng mga empleyado, partikular ng mga manggagawang tumatanggap lamang ng minimum wage, na makarinig ng magandang balita mula sa gobyerno.
Taon-taon naging tradisyon na rin sa bahagi ng gobyerno na maghatid ng magandang balita sa mga manggagawa sa Araw ng Paggawa.
Kung merong aasahang magandang balita ang mga manggagawa ay iyon ang ating aabangan.
Kasabay naman nito, isinusulong ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang mas mataas na sahod, tuluyang matigil ang kontraktuwalisasyon at P500 monthly food subsidy para sa mga manggagawa.
Sinabi ni Imee na tiyak na maiibsan ang galit ng mga manggagawa kung ipagkakaloob ang P500 monthly food subsidy na kanilang hinihiling sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Isinusulong ng mahigit apat na milyong milyong wage earners ang P500 monthly food subsidy sa harap naman ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bunsod ng kakarampot na dagdag-sahod na kamakailan ay ipinagkaloob ng administrasyon sa mga manggagawa.
Umabot lamang sa P25 arawang umento sa sahod ang inaprubahan ng regional wage board na napakalayo sa kahilingang P334 dagdag sahod ng mga manggagawa.
Sa kasalukuyan, aabot lamang ang minimum daily wage salary ng isang empleyado sa P537, napakalayo sa sinasabing P42,000 kailangan ng isang pamilya sa isang buwan para mabuhay ng kumportable.
Tiyak na aani ng papuri at suporta mula sa mga manggagawa sakaling aprubahan ni Duterte ang P500 monthly food subsidy.
Mas mainam kung si Pangulong Duterte ang mag-uutos para sa paglalaan ng budget para maipatupad ang P500 monthly food subsidy para sa mga manggagawa at maipakita nito na binibigyan niya ng halaga ang empleyado.
Makatwiran ang hinihiling na P500 food subsidy ng mga manggagawa dahil hindi talaga magkakasya ang kasalukuyang minimum wage na kanilang tinatanggap.
Madaling makagagawa ng paraan si Duterte sa kakailanganing pondo kung gugustuhin niya lang itong mangyari.
Nasa kamay na ni Duterte kung aaprubahan ang panukala na tiyak na magiging magandang balita para sa mga empleyado ngayong Labor Day.
Dapat ding tutukan ng pamahalaan ang patuloy na pagsasamantala ng ilang negosyante sa mga manggagawa. Patuloy ang nangyayaring kontraktuwalisasyon sa maraming pabrika, hindi pagpapatupad ng minimum wage law, walang SSS, sobra sa walong oras na trabah o, at hindi maayos na working place.

Read more...