SA dinami-dami na ng karanasang pinagdaanan ng isang kilalang gay personality ay hindi na siya puwedeng maisahan ng kahit sinong lalaking nagpapakita ng interes sa kanya.
Masyado nang mahal ang naging tuition fee niya sa pakikipagrelasyon, becki nga kasi siya, kaya ang tingin kuno ng mga kalalakihan sa kanya ay isang alkansiyang punumpuno ng laman.
Kuwento ng isang source na malapit sa sikat na becki personality, “Totoong super-yaman na siya ngayon, kahit nga hindi na siya magtrabaho, e, puwede na siyang mabuhay nang super-paboloso, pero mahal niya kasi ang work niya.
“Nag-aalala ang marami na baka lokohin lang siya ng mga lalaking nali-link sa kanya. Natural, dahil millionaire na nga siya, may mga nagpapayo sa kanya na mag-ingat.
“Pero hindi na siya puwedeng paikutin ngayon ng mga boys, sobra-sobrang leksiyon na ang natutuhan niya in the past. Alam na niya kung sino ang totoo at nakikipaglaro lang sa kanya.
“Alam na niyang kumilatis ngayon ng taong magiging totoo sa kanya. Used na nga raw kasi ang brand ng pantalon niya, kaya pinag-aralan niyang mabuti kung paano niya malalaman kung totoo o pera lang niya ang hangad ng guy,” buwena-manong impormasyon ng aming source.
“May mga nagtatangkang makipaglapit sa becki personality, pero alarmado na siya ngayon tungkol sa aksiyon ng mga lalaking datung lang niya ang kailangan at pinupuntirya, meron na siyang mga palatandaan.
“Maluwag kasi sa biyaya ang baklang ’yun, e! Balewala sa kanya ang datung, although of course, marunong na siyang gamitin ang kadatungan niya sa tamang paraan.
“Galing kasi siya sa wala, hindi naman siya lumaking busog, kaya alam niya ang feeling ng mga taong may matinding pangangailangan.
“Pero alam na niya ngayong kumilatis ng mga lalaking totoo at hindi. Hindi na siya puwedeng daanin sa mga kadramahan, punumpuno na siya sa mga ganu’ng style.
“Ang ganda-ganda, di ba naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakaganda nga kung totoong marunong na siyang mag-ingat ngayon. Ganda!” pagtatapos ng aming impormante.