Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik-showbiz ni Claudine Barretto.
Bukod sa pagbibida niya sa Maalaala Mo Kaya kagabi kung saan nakasama niya ang Hashtags member na si Jameson Blake, muli siyang gagawa ng pelikula makalipas ang apat na taon. Huling napanood ang aktres sa pelikulang “Etiquette for Mistresses” kasama si Kris Aquino noong 2015.
At sa panayam kay Claudine ng Tonight with Boy Abunda, kinumpirma niyang muli silang magtatambal ni Piolo Pascual sa movie na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.
“I will be doing a movie this end of June or July in Florence with Piolo,” ani Claudine. Huling nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Milan”.
Bukod dito, ibinalita rin niya na pinaplano na rin ang proyektong pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos.