Kim pinaligaya ang mga bata, senior citizen sa Capas, Tarlac

KIM CHIU

BUKOD sa pagbabakasyon sa Balesin Island kasama ang pamilya bilang bahagi ng kanyang 29th birthday celebration, nagsagawa rin ng charity activity si Kim Chiu last Friday.

Ibinahagi ng Kapamilya actress ang ilang litrato sa kanyang Instagram account na kuha sa Capas, Tarlac kung saan nga namigay ng mga regalo at nagpa-feeding program ang grupo ni Kim sa mga kapuspalad nating mga kababayan doon.

Caption ni Chinita Princess sa kanyang IG photos, “Would not want to celebrate my day than this!!! Those precious smile…. priceless. Salamat sa tulong nyo.

“Sa lahat po ng bumili ng mga clothes ko sa world trade last december and sa carousel eto na po yun maraming salamat po sa tulong nyo,” lahad pa ni Kim.

Sa kanyang Instagram Stories naman nagpasalamat ang dalaga sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya para maging matagumpay ang kanyang charity work, lalo na sa mga contact nila sa Capas.

Bago ito, nag-celebrate muna si Kim ng kanyang birthday sa sosyal na Balesin Island Club together with her family kung saan ibinandera ng girlfriend ni Xian Lim ang kanyang summer bod.

 

Read more...