Carlos dedma lang kahit tawaging ‘laos’

AY, usaping “laos” na rin lang ang topic, dedma lang daw si Carlos Agassi sa pagtawag sa kanya ng naturang termino after niyang lumabas sa isang dating gabe sa It’s Showtime kamakailan.

The fact is, hindi lang si Carlos ang “lumang” celebrity na lumabas sa naturang friendly-date portion ng show called “KapareWho?”

Meron ng mga nauna sa kanya na gaya niya ay dating sikat at tinitiliang celebrity din. Ayon pa sa aktor, hindi lang daw niya natanggihan ang imbitasyon ng mga kaibigang kunektado sa show. Naaliw pa nga raw siya dahil nagmistulang “blast from the past” ang muli niyang paggamit ng dating dressing room noong super active pa siya sa showbiz.

Hindi rin daw isyu ang maliit na token o talent fee sa naturang portion dahil more than the pakikisama, “Yung magkaroon ng mga bagong friends is worth the fun,” sey pa ni Carlos.

At dahil maganda naman ang feedback nang pagsalang ng mga previous known celebrities sa naturang show, asahan daw nating mas marami pang mga dating kilalang artista ang mapapanood dito.

O di ba, kahit paano ay nare-recycle na rn pati ang mga tinatawag na “laos” sa showbiz.

Read more...