Alden kinarir ang pagiging businessman, niregaluhan ng food chain ang pamilya

ALDEN RICHARDS

PUNONG-ABALA ang Faulkerson family sa pangunguna ni Alden Richards sa grand opening kahapon ng family business nila, isang branch ng global food chain sa Biñan Highway sa Laguna.

Sa naglabasang litrato sa social media sa pagbubukas ng nasabing branch, makikita si Alden na nasa counter para personal na mag-assist sa mga umu-order. Sa isang picture naman, nasa stage siya’t kinakausap ng mga tao.

Negosyante ang dating niya sa mga photo at hindi isang Pambansang Bae na nakilala ng publiko. Pero pinagbibigyan niya ang lahat ng gustong magpakuha ng selfie o groupie sa kanya, huh!

Nasa malawak na lote ang branch ng food chain kasama ang parking.  Wala man siya sa pag-aasikaso ng opening nito, naging maayos ang soft opening ng branch  pati na ang grand opening dahil na rin sa sanib-puwersa ng kanyang ama at mga kapatid.

Ngayong binuksan na sa publiko ang bagong negosyo, babalik muli sa Hong Kong si Alden dahil may ilang araw pa silang shooting days doon para sa movie nila ni Kathryn Bernardo.

Then sa darating na Mayo ay lilipad siya sa Brooklyn, New York City para sa concert doon ng Studio 7.

Para sa pamilya niya ang negosyong binuksan ni Alden. Bukod pa ito sa ginagawang bagong branch ng kanyang Concha’s Garden sa Silan, Cavite, huh!

Read more...