‘May karapatang bumalik sa TV bilang host si Kris, pero…!’

KRIS AQUINO

DINAOT agad si Kris Aquino ng kanyang mga bashers nang sabihin niya na may interesado raw na producer para ibalik siya sa telebisyon.

Parang nakarinig ng hindi magandang balita ang mga kababayan nating ayaw sa kanya, nagkontrahan agad-agad, huwag na raw sana siyang bumalik uli.

Parang naisantabi tuloy ang kakayahan ni Kris bilang TV host. Sa aminin at sa hindi ng mga humaharang sa kanyang pagbabalik ay isa si Kris sa pinakamahuhusay na hosts.

Wala ka nang hahanapin pa sa kanyang istilo, sa mga atakeng siya lang ang nakagagawa, nag-iisa lang si Kris sa ganu’ng klase ng paraan ng pagho-host.

Ang iba ay may maganda namang dahilan. Huwag na lang daw, ayusin daw muna ni Kris ang kanyang kalusugan, dahil hindi puwedeng palagi siyang magpapaalam sa production kapag inaatake siya ng allergy niya.

Ang iba naman ay lantaran talagang pumipigil sa kanya dahil ayaw talaga sa kanya. Walang magandang rason ang mga bashers ni Kris, basta ayaw lang ng mga ito sa kanya, tapos!

Pero siyempre’y marami pa ring naghahanap sa klase ng hosting ni Kris. Sana raw ay makabalik na siya sa TV, nakaka-miss na raw kasi siya, suportado nila ang aktres-TV host.

May karapatang magbalik-telebisyon si Kris, marami nang naghahanap sa kanya, kaya lang ay wala pa ring network na kumukuha sa kanyang serbisyo hanggang ngayon.

Read more...