Ipinost niya sa Instagram ang ginawa niyang artwork ng mga Filipino celebrities kung sila ang gaganap sa mga Marvel superheroes.
Tinawang niyang “Mga Tagapag-higanti” ang kanyang Avengers-inspired art collection. Ilan sa mga ito sina Richard Gutierrez bilang Captain America, Angel Locsin bilang Black Widow, John Lloyd Cruz bilang Iron Man, Ian Veneracion as Doctor Stranger at marami pang iba.
Pumatok sa netizens ang artworks ni Glenn dahil na rin sa tagumpay sa takilya ng “Avengers: Endgame” na kumita raw ng P205 million sa unang araw nito sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES