Grave threat case ng mag-utol na Falcis kay Kris ibinasura ng korte

KRIS AQUINO AT NICKO FALCIS

NASA bansa pa ba si Nicko Falcis, ang dating business associate ni Kris Aquino sa KCA Productions?

Aware kaya siyang dismissed na ang kasong 2 counts of grave threat over viral recording na isinampa niya at ng kanyang kapatid na si Atty. Jesus Falcis kay Kris?

Base sa resolution na may petsang Abril 15 na ipinadala ni Senior Assistant City Prosecutor Rolando Ramirez na inaprubahan naman ni Rossanna Morales Montojo, Senior City Assistant Prosecutor, Chief Division lll, Office of the Prosecutor, Quezon City ay dismissed na ang kaso.

Kumalat ang recording na binantaan ni Kris ang buhay ni Nicko noong Setyembre, 2018 at inamin naman ito ng una dahil sa tindi ng galit niya noon sa mga pinagdaraanan niyang sakit.

Anyway, may post si Kris sa kanyang Facebook page tungkol sa development ng kaso.

“SUMMARY: Baka sa haba ng sinulat ko nawala yung message, DISMISSED ang kaso nu’ng Falcis brothers against me.

“It’s easy to judge others, I’ve fallen into that trap, too. But it’s HARD to LIVE that person’s life. Ang dami kong nabasa, narinig, at napanuod, mga hindi na mabilang na panlalait sa buong pagkatao ko. HOW DID I SURVIVE? BECAUSE I TOLD THE TRUTH.

“Allow me to express my heartfelt gratitude to the men and women of DIVINA LAW. But there are 4 people in particular who deserve my lifelong gratitude. Atty. Dean Nilo Divina, Junior Partner Atty @eloisy, Senior Associate @mcaxalan, and Senior Partner, and Kris legal team leader Atty. Ricky dela Cruz.

“They respected my choices, they were brilliant in their knowledge of the Philippine legal system. And most of all, THEY BELIEVED ME & IN ME.

“I am PROOF, we are all flawed humans, but setting me apart from my legal adversaries, I immediately & bravely faced accountability for my actions. Hindi ako nag pretend sa inyo na ‘perfect’ ako… and we STUCK TO THE ISSUES.

“Higit sa lahat, hindi ko binastos ang pagkatao nila kagaya ng ginawa nila sa ‘kin. Dinaan namin sa tamang proseso at nagtiwala ako sa justice system ng Pilipinas.

“Mahaba pa ang LABAN. I am not prematurely celebrating, naipanalo namin ‘yung kaso nila laban sa kin, alam kong mas titindi ang kanilang misyon na siraan at sirain ako at saktan ang mga mahal ko sa buhay.

“My tears fall while writing this post, because I shall never forget all the special people, na nu’ng kinailangan kong magpakatatag, no questions asked- they generously gave me unconditional love, friendship, support, and prayers.

“To close, I’ll start with a quote. ‘I may not be able to solve all your problems, I know how painful it is & it’s been, so I won’t say you’ll get over it; just be assured that whatever life brings, I am with you… HINDI KA NAG-IISA.’”

“Thank you from a girl who is unafraid to show her scars, because she knows: PROTECTING YOUR DIGNITY IS WORTH EVERY BATTLE. #laban,” pagtatapos ng Social Media Queen.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ng Falcis brothers.

Read more...