Paolo napiling gumanap na BFF ni Bitoy sa ‘Family History’

PAOLO CONTIS

Masaya at nagpapasalamat ang Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis dahil nakasama siya sa upcoming film ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc. na pag-aari ni Michael V. at ng asawa nitong si Carol Bunagan.

Gagampanan ni Paolo ang karakter na Rommel sa “Family History”, ang supportive bestfriend ni Bitoy. Aniya, “Nakita ko na very organized yung buong team. Kinausap niya naman lahat bago mag-start. Parang hindi siya first time director.

“Sa dami ng nakakatrabaho niya and very close to him, masaya ako na I was handpicked to be his bestfriend sa pelikula. Very inspired ako na mas pagandahin pa yung character. I’m very thankful,” chika pa ni Paolo.

Abangan ang “Family History” very soon sa mga sinehan nationwide. Bukod dito, napapanood pa rin si Paolo sa kanyang mga programa sa GMA tulad ng Hiram na Anak at Bubble Gang.

Read more...