John Lloyd nasisira sa pakikipag-away ni Angelica sa Twitter


Masyadong matinding energy ni Angelica Panganiban ang nawawala-nauubos sa pagpatol niya sa mga kumokontra sa kanya sa Twitter. Nasasayangan kami sa kanyang lakas at kagandahan na napupunta lang sa mga walang kapararakang bagay.

Ayaw naming isipin na sa paggising pa lang niya ay laptop o computer na agad ang kanyang kaharap, handang-handa na siyang makipag-away sa mga kumokontra sa kanya sa Facebook at sa Twitter, napakaraming oras niya ang nasasayang sa ganu’n lang.

Komento ng isang kaibigan namin nu’ng nakaraang reunion namin sa kolehiyo, “I just wonder kung may nagagawa pang fruitful si Angelica. Sayang kasi ang energy niya, parang nauubos lang ‘yun sa mga hindi naman productive na bagay-bagay.

“Sana, pabayaan niya na lang ang mga taong hindi nagkakagusto sa kanya, anyway, artista naman siya, alam niya ang kalakaran na they can’t please everyone. Hindi nila puwedeng makuha ang lahat, meron pa rin siyempreng kokontra at kokontra sa kanila.

“Look what happened to Sharon Cuneta, di ba? Ganyan din si Sharon before, wala siyang pinalalampas, pinapatulan niya ang mga lahat ng haters niya. It didn’t do her good, naging negative ang dating niya.

“Parang ganu’n din ang nakikita ko kay Angelica, nagiging masyado na siyang negative ngayon, it’s about time that she realizes na hindi nakagaganda sa kanya ang mga ginagawa niyang pagpatol sa mga haters niya!” isang suhestiyon na hindi naman hinihingi pero binitiwan ng aming source.

Inaalala rin ng marami ang kanyang karelasyong si John Lloyd Cruz na walang kibo, pero nadadamay rin sa mga isyung pinagtatalunan sa social media, dahil kay Angelica Panganiban.

“One day, magigising din sa katotohanan ang boyfriend niya na mas masarap makipagrelasyon sa tahimik na paraan, instead sa ganyan na palaging napapaaway ang girlfriend niya,” sabi pa ng aming kausap.
Puwede.

Read more...