DAHIL sa tagumpay ng “Glorious” ay maraming offer kay Tony Labrusca para maging endorser ng underwear pero agad nila itong tinatanggihan ng manager niyang si Mario Colmenares.
“I think, hindi pa po time, ayaw ko pa pong mag-underwear. Gusto kong tumaas muna ang premium ko. Ha-hahaha!” natawang sabi ng hunk actor.
Ang gusto muna ni Tony ay magkaroon siya ng product endorsement tulad ng toothpaste, softdrinks or soda, noodles at iba pang household brand para may recall daw sa lahat, “Doon po muna ako siguro, sana magkaroon ako,” saad ng aktor.
Samantala, bagong hamon na naman para kay Tony ang karakter niyang Drei sa teleseryeng Sino Ang May Sala: Mea Culpa bilang isang seryosong abogado.
“Itong role na ito is quite challenging for me to be honest kasi lahat ng roles that I portrayed before was everybody that had the same mentality as me in the sense na same age as me. This time I really have to step up my game by playing a very educated lawyer who comes from a very wealthy and sophisticated family.
“Tatalon tayo, five years ahead which means, I’ll be my later 20’s, so it’s was a struggle for me trying to portray somebody that was so mature kasi a lot of my characters, I used a boyish charm to my character. So it was a little different for me but it’s a good experience,” kuwento ng aktor.
Mahusay ang pagkakaganap ni Tony sa papel niya base sa napanood naming pilot episode ng Mea Culpa nitong Lunes kaya inalam namin kung nag-aral at nag-research siya sa karakter niya bilang abogado at public servant.
“To be honest hindi po. Well, inaral lang po namin ‘yung script tapos pag may mga terminology na pang-lawyer, they explained to us kung ano ‘yung meaning saka very straightforward naman.
“Hindi po ako nanood din ng movies (tungkol sa mga abogado), pero si direk Dan (Villegas), may mga pinapanood siyang crime movies that involve people trying to get away with murder,” aniya pa.
Makakasama ni Tony sa serye bilang kanyang mga kaibigan atmga abogado rin sina Ketchup Eusebio, Sandino Martin, Ivana Alawi, Kit Thompson at Bela Padilla. At siyempre ang pinaka-lead star na si Jodi Sta. Maria.
“Si Ms. Jodi po talaga ang bida sa story, how she lost her daughter. And the story evolves on how Jodi losing her child and si Bela since nasa kanya ang anak so it evolves around them a lot. And since mag-asawa na po kami ni Bela kaya lagi rin po akong kasama sa scenes, so I think maganda po ang exposure ko sa show na ito,” saad ng aktor.
Nabanggit din ng aktor na malaki ang pasalamat niya sa “Glorious” dahil dito nga siya nakilala nang husto.
“I never intended naman po to be a sexy actor, hindi ‘yun ang gusto ko para sa sarili ko, pero in this industry if you have a nice body, that’s a really a bonus kasi iyon ang gustong makita ng tao. It’s human nature to have a wild imagination.
“So, when you give them what they want, when you give them what’s really appealing sometimes people really go crazy over that and in my case hindi po ako nagrereklamo kasi nakatulong po iyon sa career ko.
“But I like that I’m playing character that doesn’t rely on it, sexy image, that’s not rely on his body. Kung saan kinukuha ni Drei (karakter niya sa Mea Culpa) ang character niya, sa pagiging matalino niya, kung paano niya tini-treat ang pamilya niya. I think that’s how the people fall in love with him this time, you know,” paliwanag ni Tony.
Abangan ang Sino Ang May Sala: Mea Culpa sa Lunes, Abril 29 pagkatapos ng The General’s Daughter.