Super happy ang newcomer na si Kent Gonzales dahil sa first film pa lang niya ay nakasama na niya ang Megastar na si Sharon Cuneta.
Kasama si Kent sa “Kuwaresma” na ipalalabas sa May 15. Alaga siya ni Dudu Unay, the guy who discovered Liza Soberano.
“Of course, nakaka-intimidate at first which is normal lang naman,” he said when asked about his experience of working with the Megastar.
Hindi naman daw siya na-intimidate, chika ng isang writer.
“Kaya hindi po ako na-intimidate afterwards kasi si mommy Shawie po ay sobrang sweet po, easy going, sobrang bait, sobrang gaan kasama. ‘Pag nagkakamali ako nandiyan siya para tulungan ako. Naging magaan ‘yung relationship naming dalawa,” he said.
May sinabi si Sharon sa kanya na tumatak nang husto.
“Panghahawakan ko talaga ‘yung sinabi niya sa akin na kahit ano’ng mangyari, kahit ano ang kinalabasan nito ay stay grounded pa rin, stay humble,” said Kent na nagsimula bilang talent sa mga commercials at ilang TV shows.
In the future ay gustong maging leading lady ni Kent sina Liza Soberano and Kathryn Bernardo.