3 patay matapos mag-crash ang isang helicopter sa Bulacan

BUMAGSAK ang isang helicopter sa isang fishpond sa isang barangay sa Malolos City, Bulacan ganap na alas-12:30 ngayong hapon, na naging dahilan ng pagkamatay ng tatlong pasahero nito.

Kinumpirma ni Sen. Richard Gordon, chairman ng chairman of Philippine Red Cross (PRC) na tatlong pasahero ang nasawi sa pagbagsak ng helicopter.

Sinabi ng imbestigador na si Police Corporal Danilo Torres na patay ang tatlong pasahero, kasama ang isang piloto.

Nauna nang sinabi ni Police Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, na dalawa ang agad na namatay, nang bumulusok pababa ang helicopter, na may body marking na RP C8098, sa Barangay Anilao.

Dinala naman ang isa pang pasahero sa pinakamalapit na ospital, na kalaunan ay idineklarang patay na.

Agad na nagpadala ng rescue team ang Bulacan police. 

Hindi naman malinaw kung saan galing ang helicopter at kung saan ito patungo.

Sinabi ng Bulacan PNP na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng crash.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) tinatayang anim na pasahero ang sakay ng helicopter.

Inaalam pa ng mga otoridad pagkakakilanlan ng mga biktima.

Read more...