outbrain

‘Bakit lahat ng anak ni Marjorie may problema sa tatay nila?’

By Cristy Fermin April 26,2019
share this

‘Bakit lahat ng anak ni Marjorie may problema sa tatay nila?’

By Cristy Fermin April 26,2019 - 12:20 AM

MARJORIE AT DANI BARRETTO

Pinanindigan ni Daniella, anak nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto, ang pagpapakasal na wala ang kanyang ama. Ayon kay Dani nu’ng unang lumabas ang balita ay si Marjorie lang naman ang nakasama nitong lumaki, hindi nito nakasama si Kier, kaya hindi na nito iimbitahan ang aktor.

Natural lang na hindi nagustuhan ng ating mga kababayan ang ginawang pang-eetsapuwera ni Dani sa kanyang ama. Kulturang Pilipino nga naman na ang ama ang naghahatid sa kanyang anak papunta sa altar.

Pero ang mas matinding tinutukan ng mga hindi nagkagusto kay Dani ay ang kanyang ina. Tanong ng mga netizens, bakit daw ganu’n, lahat ng mga anak ni Marjorie ay may problema sa kanilang mga ama?

Si Dani kay Kier. Si Julia at ang mga kapatid nito kay Dennis Padilla. Kaya tanong ng isang basher, ang anak daw kaya ni Marjorie kay dating Mayor Recom Echiverri ay magalit din sa kanyang ama sa mga darating na panahon?

Oo nga naman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending