Walang takot na naghubo’t hubad ang Kapamilya hunk actor na si Kit Thompson sa upcoming Kapamilya teleserye na Sino Ang May Sala?: Mea Culpa.
Ginulat ni Kit ang members ng entertainment media sa ginanap na special screening ng Mea Culpa nang bumandera na sa screen ang sex scene nila ng kanyang co-star sa serye na si Ivana Alawi na palaban din sa hubaran.
Talagang nagpakita ng pwet ang binata sa nasabing eksena habang nagtatalik sila ni Ivana nang patayo.
Talagang naghiyawan ang audience sa Dolphy Theater sa tagpong iyon, lalo na ang mga kasamahan niya sa serye.
Sa panayam ng ilang reporter kay Kit after ng special screening, kinumusta ang working relationship nila ni Ivana lalo na nu’ng gingawa nila ang nasabing intimate scene.
“I respect Ivana as my screen partner. I don’t want any tension or misunderstandings between us especially doing a scene like that. I want her to trust me and likewise.
“Kung saan siya komportable, yung mga kailangan, kapag cut na, cover you know. Those are the things that make the scene work,” pahayag ni Kit na talagang inalagaan at pinrotektahan si Ivana sa kanilang mga mapangahas na eksena.
Sa kanyang butt exposure naman, ginawa raw niya ito dahil tiwala siya sa direktor nilang si Dan Villegas, “Noong sinabi nila sa akin si Dan Villegas magdidirek, okay. I like Dan you know. I trust him. I think he is really a good director.
“Depende rin if somebody random will come to me and be like ‘I have a short film. I want to you to show your ass,’ I probably won’t do it. But since tiwala naman ako and I know the outcome is gonna be great, I did it,” chika ni Kit na nagpakitang-gilas din sa Mea Culpa bilang isang palabang binata a kapapasa lang sa bar bilang lawyer.
Gaano katagal kinunan ang sex scene nila ni Ivana? “Usually, ano naman ‘yan, e, wide, closeups, and konting mga inserts, so, mga four, five, six takes.”
Pero siyempre, hindi naman pwedeng ipalabas sa free TV ang pagpapakita niya ng pwet, pati na rin ang pasilip ni Ivana sa kanyang boobs. Sabi ni Kit ang full cut ng mga nasabing eksena ay mapapanood lang sa online version ng Mea Culpa sa iWant.
“I know na bawal sa TV ‘yun. May mga batang manonood, so sa iWant nila mapapanood ‘yung nang buong-buo,” chika pa ng binata.
Sa mga nagtatanong kung sino si Ivana Alawi, una siyang nagpasabog ng kaseksihan sa Ang Probinsyano bilang lover ni Eddie Garcia.
Mapapanood na ang Sino Ang May Sala?: Mea Culpa sa Lunes na pinagbibidahan din nina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla at Tony Labrusca sa ABS-CBN Primetime Bida.