Sa survey noong Marso 28-31, sinabi ng 9.5 porsyento o 2.3 milyong pamilya (8.1 porsyentong mga ilang beses at 1.3 porsyentong palagi) na naranasan nila na walang makain.
Mas mababa ito sa 10.5 porsyento (2.4 milyong pamilya) na naitala sa survey noong Disyembre.
Pinakamarami ang nagsabi na naranasan nila na walang makain sa National Capital Region (11.7 porsyento) sumunod ang iba pang bahagi ng Luzon (10.3 porsyento), Visayas (10 porsyento) at Mindanao (6.1 porsyento).
Noong Disyembre 2018, naitala ang mga nakaranas ng gutom sa Metro Manila sa 18.3 porsyento, 9.7 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon, 9.2 porsyento sa Visayas at 8.3 porsyento sa Mindanao.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,440 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.6 porsyento.